Search This Blog

Wednesday, October 6, 2010

my poems in retorika.

magkaiba

ni: Charnnie Dacumos

nag-aral ka sa maynila

pang-aral mo'y nakalulula

damit mo'y mamahalin

pambili na ng makakain.

lagi kang naka-kotse

terno ang iyong damit

kasama ang iyong kalupi

sa kamay ay nakaipit

pagdating naman sa klase

ang alam mo'y matulog

daig mo pa ang nagtratrabaho

yun pala'y puyat sa kalalaro

buti pa ang isang ito

sa umaga ay kumakayod

sa gabi ay nag-aaral

kay inay ay nagbibigay pa ng sahod

buhay tambay

ni: Charnnie Dacumos

maghapong nakatanghod

akala mo'y pagod

akala mo'y bulok

andoon sa isang sulok

sa umaga ay kakain

sa tanghali'y matutulog

sa hapo'y maglalaro

tila isang palalo

kapag may di nakuhang bagay

magpapakalunod sa tagay

kapag lasing na lasing na

tsaka maghahamon ng away

koleksyon mo'y mga babae

na tila tumutulo pa ang laway

kapag inabot ng isang gabi

lagot ka sa kanyang tatay

hanggang kailan ka ganyan?

ikaw ay nakasasawa

ikaw nga ay malaya

wala namang kwenta.

sakim

ni: Charnnie Dacumos

hiling ko'y kotse,

ngunit di ko makuha

hiling ko'y pera

di mo maibigay

hiling ko'y pagkain

iyo namang kinain

akin na lang ang tinapay

binigay mo pa sa tambay

pahingi ng kumot

kahit parang supot

pahingi ng kulambo

madaming lamok

ngayo'y iyong panahon

ubos-ubos sa biyaya

bukas nama'y nakatunganga

ikaw kasi'y madaya.

poot ng lait

isinulat ni:

Charnnie Dacumos

kawangis ng iyong mukha

ang iyong pananalita

akala mo'y napakagandang nilalang

kung makapanglait ay walang kulang.

hugis ng iba iyong nakikita

muka mo nama'y mukang paminta

kapag may maputi siyang lalapitan

tsaka sasabihing dinaan sa glutathione

pagkakamali niya'y sayo'y walang ligtas

ngunit ang iyo, di mo ba nakikita?

kung antu-santuhan man ang pag-uusapan

tiyak kong ikaw ang talunan.

wala pa namang alas-kwatro,

hindi pa huli ang lahat kaibigan

magandang pananalita at gawi

kailangan mong pag-aralan

mahirap na baka kinabukasan

maisasalamin sayo ang lahat ng iyong panglalait

na walng idudulot

kundi ang pait.


Awitin ng Batang Antukin

kasalukuyan kong binabagtas

ang solitaryong may kalatas

ng marinig ko ang tugtugin

sa piyano ng batang antukin.

sa bawat galaw ng kanyang mga kamay

tumitibok ang puso ko

ng walang humpay

pati ang notang sumasabay

sa saliw ng kanyang awitin

narinig ko ang mga salita

ng batang antuking salat

na may kayumangging balat

hiniling ko sa mga oras na iyon

na pahabain pa ang pagkakataon

upang marinig ko ang saloobin

ng tumutugtog na batang antukin.

isinulat ni:

Charnnie Dacumos


*they are super waley right? i wish to learn more writing Filipino poems.

Top of Form

Bottom of Form

Top of Form

Bottom of Form

1 comment: