Search This Blog

Wednesday, September 22, 2010

Aral ng Hostage

Kasalukuyan pa ring maingay sa buong mundo ang Pilipinas dahil sa nangyaring hostage sa Maynila noong makalawang araw. At ngayon, nagdulot ito ng panibagong masamang imahe sa boung kapuluan at sa mga kayumangging naninirahan dito.

Wala namang may ginusto sa pangyayari kundi si kamatayan. Gayunpaman, naniniwala akong hindi natin dapa sisihin ang sinuman kahit si Mendoza dahil ano pang magagawa ng mga paninisi kung patay na ang sinisisi? Nakita natin ang mali ni Mendoza, ng pulisya, media at maging ang mga usisero. Ngunit isang bagay ang hindi natin nakikita. Ang pag-unawa at pagpapatawad.

Sa nangyaring ito, kung may isang bagay akong ikinatutuwa, iyon ay ang iniwang aral nito sa atin. Alam nating hindi iyon ganoon kadali,lalo na't nagdulot ito ng kahihiyan at kamatayan. Wala tayong mapapala sa sisihan at galit kundi panibagong hidwaan at maaaring panibagong dahas (huwag naman sana).

Masakit mang isipin, minsan lang umingay ang bansa sa buong mundo ngunit sa ganitong sitwasyon pa. Hindi ganoon kadaling makalimot, ngunit may paraan para makalimot at bumangon. May dahilan ang Diyos kung bakit nangyayari ang lahat ng ito.

Kung mayroon mang hakbanging dapat gawin ang lahat, ito ay ang mga sumusunod:

-Tigilan na ang pagpuna ng pagkakamali ng lahat

-Pag-unawa

-Pagpapatawad

-Pagdarasal

Hindi dapat nating sabihing "ipasasakamay na lang natin ang lahat ng ito sa Diyos". Ano ang panghahawakan ng Diyos kung wala tayong magandang hakbanging gagawin?

Ikaw? Ano g hakbangin ang iyong gagawin?

Charnnie Dacumos

No comments:

Post a Comment