Hindi naman ako papansin. Mahilig lang akong makipag-ugnayan sa ibang tao. Sa dinarami-rami ng tao sa mundong ginagalawan ko, higit na matagumpay ang sinasabi kong ugnayan. Kung mas marami kang wikang alam, mas malamang marami kang makakahalubilo.
Wika na ang naging buhay ko. Pinag-aaralan ko ang iba’t ibang wika, dahil na rin sa kagustuhan kong maikot ang iba’t ibang panig mundo. Nais ko ring silipin ang samu’t saring kultura mayroon ang iba’t ibang tao sa bawat bansa. Nkatutuwang isiping (kahit ginagawa ko na..) ang wika ang nagiging tulay ng pagkakaugnay-ugnay ng bawat nilalang.
Ngunit siyempre, kailangan ko munang paikutin ang ang iyong dila, magmemorya ng higit pa sa bilang n gating alpabeto, isulat tapos isalita. Ganayn ang trabaho ko.
Nagsimula akong magka-interes mag-aral ng ibang wika dahil na rin sa impluwensya ng mga anime at mga telenobelang inaangkat sa iba’t ibang bansa na halos bumida sa rating ng mga istasyon ng telebisyon. At sa bawat eksena ng mag ito’y nangangarap ako na ako ang bida!
Ayun na nga at nagdesisyon akong mag-aral, sunod ay matuto. Hinasa ko ang aking sarili at sa kabutihang palad ay naging maganda naman ang kinalabasan ng lahat.
Naghanap ako ng part-time job habang nagsusunog ng kilay. Natanggap ako sa isang English school para sa mag koreano. Halos hindi na rin mabilang ang mag naging estudyante ko. May mga ka-edad ko lang, mayroong mas bata, at mayroon din naming mga matatanda. Hindi sa pagmamayabang, in-demand ang lola mo sa kanila. Syempre, mas madaling makipag-usap dahil alam mo ang kanilang wika.
Katulad ng ibang mga istorya, mayroon din akong “Isang araw..”
Isang araw (kung gusto mo gawin mo pang dalawa para masaya ), inirekomenda ako ng boss namin sa isang bigtime na koreanong estudyante. Isa siyang CEO mula sa isang malaking talent agency sa Korea. Pumunta siya dito sa Pilipinas para sa kanyang mga negosasyon. Dahil sa baluktot ang dila nito sa wikang Ingles, naghanap siya ng interpreter. At ako ang mapalad na napili.
Ayun na nga. Ako ang naging tulay ng kanilang kompanya sa mga business matters niya ditto sa Plipinas. NApuno din ang wallet ko. Bongga! Tuwang-tuwa ang nanay ko kapag umuuwi akong may pera. Syempre may pambayad utang na kami. Nakasasawa kasi yung mga naka-motor na naniningil sa bahay tuwing umaga. Hays.
Ito ang malupit! Nag-dinner kami kasama ang kanyang mga alalay sa isang bonggang kainan sa Makati.
“it seems that you’re done with your business here Sir, when will you go back to Korea?”, tanong ko.
“Maybe after next two days. By the way, I have something for you.”, sagot ng ginoo.
“What is it?”
“Do you want to go to Korea? Our artists are now big hits here in Asia, it seems they need to learn English and other languages. They need you.”
“Yeah. That would be definitely great! I have always wanted to go there!”, mabilis kong sagot.
“Pretty cool! We will wait for you there. Just arrange your papers and I will settle everything there!”
Matapos ang ilang pag-aayos ng aking mga papeles, nagpunta na rin ako ng Korea. Malamig na bansa ito. Parang halos limang beses sa isang araw akong dapat kumain ng mainit na lugaw o noodles para mainitan.
Pero ayos lang din naman. Kasi sa unang pagkakataon, nakaranas ako ng winter. Ang sarap maglaro sa snow at makipagbatuhan nito. Sana nga lang ay mayroon nito sa Pilipinas.
Matapos ang isang linggong paglalakbay, kailangan ko ng asikasuhin ang aking trabaho. Kailangan ko ng i-meet ang mga Koreanong artista na aking tuturuan ng Ingles.
Dahil dito, nagsagawa si boss ng isang dinner slash meeting para ipakilala ako sa kanila.
Hindi ako palaayos na babae. Ngunit nung gabing iyon, kailangan ko ng isang make-over. Bongga talaga. Ni hindi ko nga nakilala ang aking sarili matapos ang make-over na iyon. Hays…
Habang naglalakad mula sa pasilyo, kinakabahan na talaga ako. Hindi dahil sa taong haharapin ko. Iyon ay dahil sa suot kong 3 inches na heels. Hindi na nga ako sanay nagkolorete sa mukha, heels pa kaya. Pero nakakatuwa rin naman. Bakit? Pakiramdam ko naglalakad ako sa catwalk. Ang ambience kasi ng lugar ay tunay na pang-mayaman. Naisip ko tuloy, di ako dapat nandito.
Bago ako pumasok sa loob, huminto muna ako sa tapat ng pinto. Huminga ng malalim at tsaka bumulong ng, “Naku po God! Gabayan niyo po ako. Ngayon lang ako kinabahan ng ganito. Sana naman po ay maging maayos ang lahat.”
Binuksan ko ang pinto. Lahat ay abalang nagkwe-kwentuhan. May mga kumakain na. May naghaharutan. May seryosong tinitingnan ang mensahe sa kanyang cellphone. Mayroon din naming nag-aayos ng buhok. Maingay ang kwarto.
Ngunit lahat ay mapahinto sa aking pagpasok. Ang lahat ng tingin ay nasa akin.
Napalunok ako.
Tumayo ang boss at ipinakilala ako sa lahat.
“Guys, I want you to meet her, she’s Cha Hyun Jae. She’ll be your official interpreter ”, pakilala niya.
Lahat naman ay ginawa ang tradisyunal nilang pagyuko bilang pagbait. Ang iba ay nakipag-kamayan, ang iba nama’y ngumiti.
Nakikain na rin ako sa kanila. Honestly speaking, first time kong kumain ng ganoong ka-bongang kasarap na dinner, pero di ko magawang damihan ang pagkain kasi naman nakakahiya sa kanila. Baka sabihin pa nilang naging interpreter nila ako para makakain lang ng ganun kasarap at ganun kamahal. Hahaha.
Pamaya-maya, mayroong isang matangkad na lalaking pumasok, nakaitim at may ka-gwapuhan. Umupo siya malapit kay boss.
Ipinakilala naman ako ng boss sa kanya.
“Hey dude! Meet our company’s interpreter. She’s Cha Hyun Jae.”
“yes, I know her. I saw her before she entered here. I bet she’s religious.”, sabi ng matangkad na lalaki.
“How do you say so? ” tanong ni boss.
“I need to go.” Sabi niya. Tsaka nag-iwan ng nakalolokong ngiti.
“teka, kung ganon..” sabi ko sa wikang Filipino.
“What does that mean?” tanong ni boss.
“It means, take care.”
“okay. Eat more.”
Di ko akalaing nakita niya akong nagdadasal bago ako pumasok ng pinto. Ganun ba kalakas yung bulong ko? Napaisip tuloy ako. Wala naman akong dapat ikahiya sa pagdarasal. Ang bumbagabag lang naman sa akin ay ang reaksyon niyang iyon. Parang natutuwa pa siya sa itsura ko di habang nagdadasal, kundi nung nagulat ako sa sinabi niya. Hays. Di naman siya gannon ka big deal. Ang akin lang, kung anong sinabi ko sa Diyos, Diyos lang ang dapat makaalam. Pero kasalanan ko din naman..pambihira.
Ayun. Natapos rin ang kainan at kwentuhan. Pakiramdam ko ay nasa hot seat ako dahill sa dami ng mga tanong nila. Masaya rin naman.
Bumalik na ako sa condominium na tinitirhan ko. Pagdating doon, naligo ako at uminom ng kape. Masyadong nagging abala ang araw kong iyon. Nagmuni-muni muna ako bago matulog.
Kinabukasan, nagising ako sa tawag ni boss. Pinapupunta niya ako sa opisina para sa ilang business matters.
Matapos mag-asikaso, tumungo na rin ako kaagad doon.
Pumasok ako sa opisina ni boss. Wala pa siya roon. Ang kanyang sekretarya ang nagpapasok sa akin at sinabing hintayin ko na alng daw siya roon.
Pamaya-maya’y may kumatok sa pinto. Akala ko ang boss na iyon. Tumayo ako kaagad upang bumati ngunit…
Dumating ang matangkad na lalaki.
“Where’s boss?” tanong niya.
“I don’t know.”
“Did you close your eyes and pray before you go inside?” patanong na habang natatawa.
“I do that stuff whenever I’m nervous”, m asungit kong sagot.
“I see. It seems that you’re comfortable with him right now.”
“Obviously. He’s like my second father. We have done few businesses when he was in Manila. He’s really a good person. You’re lucky to have him as your boss.”
“yes. But I doubt if he’s lucky to have you.”
“What did you say?”
“What do you think?” pilosopong sagot niya.
Tulad nung huli naming pagkikita, umalis siya kaagad at nag-iwan ng nakalolokong ngiti.
Aba talaga naman. Anong gusto niyang palabasin? May paglkamayabang angtalent na iyon ni boss! Grabe. Tuwing magkikita kami, parang lagi na lang niya akong iniinis. Naku. Pasalamat siya at nandyan si boss. Kung hindi lang siya talent noon, hay baka kung na nang nagawa ko sa kanya.
Ilang minute na rin ang nakalipas ng dumating si boss.
“How are you Hyun Jae?”
“Just fine. So what are we gonna talk about right now boss?”
“Okay. You will be starting your job tomorrow. ”
“Really? That would e nice! ”
“Yes. You will be going with us in Thailand to interpret.”
“With whom?’
“With Lee Jang Seok.”
“Lee Jang Seok? I guess I haven’t meet him.”
“No. you already met him. Remember the guy who said that you’re a religious one last night? That’s him!”, masayang sagot niya.
“What?!”, gulat na sagot ko.
“Yes. It’s quite hard to talk with this man, but I know you can get through along. I know your personality.”
“I don’t think my personality will work on him Sir.”
“Don’t be like that. You can do that.”
Naku. Wala rin akong nagawa. Trabaho iyon eh.
Kinuha ni boss ang passport ko para sa visa, at ilang oras lang ay nag-impake na ako para sa mga dadalhin kong gamit. Natulog ako ng di gaanong mapayapa ng gabibg iyon at nag-isip ako kung magiging maayos ba ang lahat. At katulad ng lagi kong ginagawa, ang dasal ko’y sana nga.
Nagtungo na kami sa paliparan. Nang pasakay na kami ng eroplano, nakita ko ang matangkad na lalaki na nakasimangot.
“What’s wrong with him?”, tanong ko kay boss?
“He just woke up this morning bad. He may had a nightmare”, biro ni boss.
“Yeah. I think so.”
“Common! Lets go!”
Sumakay na ako ng eroplano. Tuwang-tuwa ako dahil nasa tabing bintana ako. Pero naputola ng kaligayahan kong iyon dahil katabi ko ang mayabang na lalaki.
“You can’t get rid of smiling. What’s up with sitting on a plane near the window?”
“to see the places that I’m not sure if I gonna see them all again.”
Tumahimik na alng siya at ipinikit nag mga mata, habang nakikinig sa kanyang ipod.
Halos isa’t kalahating oras lang ang naging biyahe namin. Pagdating doon, sinalubong kami ng di mabilang na mga fans niya. Lahat halos ikamamatay ang kilig matapos Makita nag mukha niya.
Grabe. Artista nga siya. Kanina lang ay parang daig pa niya ng itsura n umay na nayayamot kapag tinataguan ng sinisingil o may utang na pahulugang pera. Ngayon, nakangiti na siya. Sabagay, ang pag-arte ang kanyang ikinabubuhay. Wala na akong pakialam doon.
Ayun. Pagdating naming sahotel an aming tinutuluyan, nagkaroon na naman ako ng make-over. Pakiramdam ko kapag may make-up ako, iban tao ako. At di ko alam kung bakit.
Pagkatapos ng palit-buhay na make-over, nagtungo na kami sa press conference. Feeling ko artista ako. Katabi ko ang mayabang na lalaki, na akala mo ay santo kung ngumiti at mag-project sa camera. Pero kailangan ko iyong pagtiisan, dahil iyon ay trabaho.
Nagpatuloy ang mga tanong ng press. Nakakapagod din naming nag-transalate ng tanong, lalo na kung lam mo naman ang isasagot niya, o kaya mong sagutin ang lahat ng iyon. Ialng oras din ang tinagal ng presscon, at sobrang nakakapagod ang umupo at sumagaot ng ganun katagal sa kanilang mga tanong.
Nakahinga lang ako ng maluwag ng matapos ang presscon, dahil gutom na rin ako.
Ayun, kinabukasan, ginanap na ang kanyang fan meeting. Ganun pa rin ang ginawa ko. ang umupo at sumagot sa mga tanong. Sobrang naloloka ako sa trabaho ko. Pero ayos lang din naman, worth it naman pagdating sa kita. J
Nagkaroon kami ng tour sa Thailand. Grabe, madami rin ang magagandang lugar sa kanila. Pero mas madami sa Pilipinas. Marami rina ng masasarap na pagkain. Sa katunayan, kapag nasa Thailand ka, para ka alng nasa Pilipinas. Halos hawig ksi ang mga mukaha ng mga Thai sa mga Pinoy. Kayumanggi din ang kulay nila. Saktuhan lang.
At habang naglalakbay kami, unti-unti kong nakikilala ang pagkatao ng mayabang na lalaki. Ang tingin ko sa taong ito, batay na rin sa aking obserbasyon, ay ang taong may dalawang pagkatao. Una, ang kanyang pagiging artista, at ang pangalawa, ang kanyang pagiging suplado na minsan naman ay mabait. Siguro nag’y medyo mahirap siyang timplahin, tulad rin ng sinabi ng kanyang boss. At tulad rin ng ibang istorya, medyo trip ko na ang taong iyon.
Ayun at nagkaka-usap na rin kami ng matino. At minsan na lang niya ako bigyan ng nakalolokong ngiti. Sana nga ay lagi siyang ganoon at lagi kaming ganoon. Nakakaloka. Pero bakit parang tuwang-tuwa ako?
Matapos ang isang linggo saThailand, bumalik na kami sa korea. Nakatutuwang iba na ang bonding naming ng bumalik kami doon. Napansin yun ng lahat. Nagulat sila at magaling ng mag-tagalog ang lalaking iyon. Hahaha. Nagpaturo kasi siya sa akin ng basic.
Isang araw ulit, tumawag ang nanay ko mula saPilipinas para sa isang emergency. Nagpaalam ako sa aming boss at sinabi ko sa kanyang mukhang malao na akong makabalik.
Tinanggap ng boss naming ang paalam ko. Nakalulngkot na aalis ako ng Korea ng dahil sa hindi magandang dahilan. Mabuti na alng talaga at mabait siya. Sabi niya, welcome pa rin naman daaw ako sa kompanya kahit na anong oras ko gustong bumalik.
Isang gabi bago ako umalis, napagpasyahan kong maglakad-lakad na muna. Ayun at magmuni-muni ako. Suot ko ang hand gloves at makapal na damit. Malamig kasi doon at malapit na daw bumagsak ang snow sabi sa balita sa telebisyon.
May hawak akong camera at hangga’t maaari ay magpi-picture ako ng magpi-picture para may remembrance ako sa pag-uwi ko sa Pilipinas. Masyado nang malamig.
Naglalakad ako habang tinitingnan ang mag larawan na kinunan ko ng biglang, natisod ako sa paglakad. Muntik na akong masugatan, buti na lamang ay may lalaking nakasalo sa akin.
“Hindi ka ba marunong mag-ingat?”
Aba! Ang mayabang na lalaki pala!
“You can speak Filipino?”
“Oo. Di ba’t tinuruan mo ako?”
“oo nga pala.”
“Gabi na. Bakit nandito ka pa sa lansangan?” pautal niyang tanong.
“Gusto ko lang kumuha ng remembrance. Mag-picture.”
Dinala niya ako sa Namsan tower. Isang lugar na lagging pinagde-date ng mga may nobyo at nobya.
Lubos ang aking nagging pagtataka.
“why are we here?”
“Ayaw mo?”
“you know what? Whenever I hear you speaking Filipino, I feel different.”
“Don’t worry anything. Just feel the night.”
Pamaya-maya ay tila nagkakatuwaan ang mga tao.
“Look! There’s a snow!” tuwa kong sinabi.
“Yeah.” Sagot niya.
Tumalon ako sa tuwa. Tinaas ko ang dalawa kng palad habang tuwang-tuwang pinagmamasdang bumabagsak ito sa akin.
“It’s really beautiful.”
“Is it your first time to see a snow?”
“Yes, it is. There’s no snow in the Philippines.’
“Oh I see. You’re the only person I saw very happy with a snow.”
Nag-usap kami buong gabi. Kumain ng noodles para mainitan ang aming mga kalamnan. Umakyat din kami sa Namsan Tower. At ng nandon kami sa itaas, nag-star gazing kami.
Sandaling naputo l ang katahimikan.
“Will you comeback?” seryoso niyang tanong.
“I don’t know. I’m not sure.”
“I’m looking forward to see you again.”
“do you really mean that?”
“Yes. When I say a thing, I mean it “
“Why is it every time I talk to you, you seemed different?” dugtong niya.
“I have been always different.”
“Yeah. Totally different.”
Sandaling namayani ang katahimikan..
Lumalalim na ang gabi at pareho kaming nakatingala sa mga bituin sa langit.
“I wanna go home. I have to pack my things up.”
“Before you go, Can I ask you something?”
“Yes?”
“in case that you will be back, who would be the first person you will look for?”
Lumunok muna ako bago sumagot. At nag-iba ng direksyon ng tingin.
“Ikaw.”
“’What?’ tanong niya.
“a taxi driver of course. I don’t just wanna stay in the airport.”
“Yeah, I think so.”
“Lets go.” wika ko.
“Wait. Close your eyes before you go.”
“Why?”
“Just close your eyes and when I count three, open it.”
“Okay.“
Pinikit ko na ang aking mga mata.
1..2..3..
“What’s this?” tanong ko.
“A necklace.”
“this one is for you.”
“Really?”
“Yes.”
Tiningnan ko ang kwintas na may singsing bilang pendant. Sa loob ay may nakasulat na, “Time can tell.”
“what does that mean?” tanong ko.
“Time can tell.” Sagot niya.
At tsaka siya nagpaalam sa akin ng walang angas at walang nakalolokong ngiti. At sa pagakakataong iyon, wala akong naramdamang inis. Umuwi ako ng walang patid ang ngiti. J